Y

YouLibs

Remove Touch Overlay

GINAHANDUM KO ( OIC- ORIGINAL ILONGGO COMPOSITION ) as requested

Duration: 04:58Views: 140.1KLikes: 495Date Created: Jul, 2013

Channel: tataylee13579

Category: Music

Tags: hiligaynon language (human language)

Description: Tagalog Translation: PANGARAP KO by Merlinda Garcia Simula na ang mundo ay aking nasilayan Pagmamahal mo Ama di ko naramdaman Dahil ng ako'y isilang agad mong iniwan At hindi mo na naisip na kami ay balikan.  Pagmamahal mo ama aking pinangarap Tamis ng 'yong halik, lagi kong hinahanap Ngunit kailan pa kaya ito ay malasap Gayong wala ka sa aming tabi upang ito'y gawing~ganap. Nung ako ay musmos pa lamang Maraming nagsasabing ako may kapatiran Di man lang nakita,di ko alam kung nasaan Ama ko't kapatid balik na sa tahanan. Nung unang pasok ko sa eskwela Agad kong pinangarap na isa sa manguna Nung makamit ko na ang yaong medalya Ang tangi kong nasambit "Para sa aking ama't ina". Salamat O Nanay sa tanan Nang dahil sa iyo pangarap ko'y nakamtan Nanay ang pangako ko, h'wag mong kalimutan Ang iyong pagtitiis, aking gantimpalaan. Ako ngayo'y ganap na ngang dalaga Pangarap ko pa rin na makita ka ama Kahit sa pagtulog ko, dumadaloy luha sa mata Ama ko't kapatid, kailan kayo makikita? Iniwan man kami at di na binalikan Ganun pa man Ama ika'y laging inaasam Kahit pagmamahal mo ay di ko naramdaman Ikaw pa rin ama ang laman ng isipan. REPEAT 2nd & 3rd Stanza Di man lang nakita,di ko alam kung nasaan Ama ko't kapatid balik na sa tahanan.

Swipe Gestures On Overlay